Hindi maipagkakaila na malaking risk ang pag-invest. Ngunit mas nakakatakot pumasok sa mundo ng investments kapag hindi mo alam ang common investment terms na madalas gamitin ng financial advisors at mga beterano na sa mundo ng investments.
Kung handa ka nang mag-invest, take the time na alamin at intindihin muna ang mga terms na ito to gain confidence at makagawa ng wiser and more responsible investment decisions.
Asset Allocation
Ang iyong investment strategy para sa iba’t ibang assets tulad ng cash, bonds, at stocks.
Bear
Isang investor na naniniwalang ang buong market o ang isang particular na stock ay mag-de-decline. Opposite ng bull.
Bear Market
Panahon na halos lahat ng stock prices ay falling sa loob ng ilang buwan.
Bonds
Ang pag-invest sa bonds ay ang pag-loan ng pera sa isang company o sa gobyerno.
Bull
Isang investor na naniniwalang ang buong market o ang isang particular na stock ay mag-ra-rise. Opposite ng bear.
Bull Market
Panahon na halos lahat ng stock prices ay rising sa loob ng ilang buwan.
Capital
Ang funds na invested sa isang company sa long-term basis.
Capital gain
Kapag mas mataas ang selling price compared sa purchase price ng isang asset.
Capital loss
Kapag mas mababa ang selling price compared sa purchase price ng isang asset.
Cash
Sa mundo ng investing, kadalasang ibig sabihin ay certificates of deposit, treasury bills, or money market accounts.
Diversification
Ang process ng pag-own ng iba’t ibang investments na maganda ang performance sa iba’t ibang panahon upang mabawasan ang risk at iangat ang potential ng mataas na returns.
Inflation
Ang pagtaas ng presyo ng goods at services – kadalasang konektado sa pagbaba ng purchasing power.
Interest Rate
Fixed amount na babayaran ng nag-loan.
Liqiuidity
Abilidad ng investor na magka-access sa invested money. Ang mutual funds ay tinuturing na liquid dahil ang shares nila ay maaaring i-redeem katumbas ng current value on any business day.
Market Price
Kasalukuyang presyo ng isang asset.
Market Risk
Posibilidad na hindi maabot ng isang investment ang target.
Portfolio
Koleksyon ng investments na pag-aari at mina-manage ng isang organisasyon o individual.
Recession
Pagbaba ng economic activity o ng gross domestic product ng isang bansa.
Stock
Isang long-term at growth-oriented na investment sa isang company. Maari ring tawaging ‘equity’.
Iilan lang ang mga ito sa mga terms na kailangan mong alamin at intindihin para masimulan na ang iyong journey sa pag-invest.
Mabuting idea rin ang pagkausap sa financial advisor upang lalong maliwanagan pagdating sa investments, loans, at pati na rin sa personal finances.