DSWD SAP payout FAQs

Para sa maayos at mabilis na pagkuha ng inyong cash assistance, bago pumunta sa RBank branches na naatasan sa inyong lungsod para sa DSWD SAP payout, siguraduhin na kayo ay nakatanggap na ng abiso na ipapadala sa inyong cellphone number mula sa RBank na naglalaman ng instructions sa pagtanggap ng inyong ayuda.

 

*huwag pumunta sa ATM o RBank Branch kung hindi pa nakakatanggap ng mensahe sa cellphone.

 

Upang makatulong sa pagbibigay kasagutan sa inyong mga katanungan ukol sa DSWD SAP payout, maaari ninyong pagbasehan ang FAQs na nakasaad dito:

 

1. Paano kung hindi ako nakatanggap ng SMS 1?

Maaaring hindi ninyo natanggap ang mensahe sa dahilan na hindi updated ang inyong mobile number, hindi magkatugma ang mobile number na nasa listahan ng DSWD, o kayo ay naka-assign sa ibang payout partner ang ivnyong SAP cash assistance. Maaaring itanong ang mga susunod na hakbang sa DSWD, CSWD o LGU.

 

2. Paano pag hindi nare-receive ng SIM Card ko yung text messages? 

Makipagugnayan sa iyong service provider (ex. Globe, Smart, TM, etc.) ukol sa issue na ito.

 

3. Paano kung hindi ako nakatanggap ng SMS 2? 
Pumunta sa DSWD o CSWD, Barangay, o sa pinakamalapit na RBank branch at ibigay ang inyong pangalan at ibang impormasyon na kinakailangan upang mapadalhan ng susunond na mga mensahe. Siguraduhing nakatanggap ng SMS 1 at dala ang mobile phone naka rehistro.

 

4. Paano kung hindi ko natanggap yung PIN? 

a. Siguraduhin na tama ang detalye at format na nailagay sa PIN request.

b. Para sa mga beneficiaries na naka prepaid, siguraduhin na mayroong regular load para ma-send ang PIN request. Kung kayo ay naka UNLI promo, siguraduhin na mayroong regular load.

c. Para sa mga beneficiaries na naka postpaid plan, makipagugnayan sa telco provider at ipa-activate / enable ang pag send ng text sa 225-6655.

 

5. Paano kung nadelete/nabura yung text message na binigay ni Robinsons Bank? 

Kung nabura ang text message na ukol sa SAP payout, pumunta sa CSWD field office at ipagbigay alam sa CSWD representative ang issue na ito.

 

6. Paano kung nadelete/nabura yung PIN?
Maaaring magpadala ulit ng PIN request at i-send muli sa numero 225-6655.

 

7. Paano kung hindi ako nakatanggap ng reply ni Robinsons Bank para sa PIN, pwede bang ulit-ulitin ang pag text? 
Maaaring magpadala ulit ng PIN request at i-send muli sa 225-6655. Para sa prepaid users, siguraduhin na kayo ay mayroong regular load at para sa postpaid users, makipagugnayan sa telco provider at ipa-activate / enable ang pag send ng text sa 225-6655.

 

8. Gaano katagal magreply si Robinsons Bank pag nagpadala ng PIN request? Bigyan ng 5 – 10 minuto para sa reply na naglalaman ng inyong PIN.
9. Paao kung na debit yung account pero walang lumabas na pera sa machine? 
Pumunta sa pinakamalapit na RBank upang mag file ng complain or tumawag sa Robinsons Bank Customer Care: (02) 8637-2273

 

10. Paano kung yung registered Mobile No. ay hindi na active? 
Makipagugnayan sa CSWD o LGU para sa mga susunod na hakbang.