Marami sa atin ang may misconception na kapag investment, ang ibig sabihin ay kailangan malaking halaga ang ilabas. Narito kami para ipaalam sa inyo na hindi mo kailangang maging big shot sa simula pa lamang para lang makapag-invest. Sa totoo nga ay para maka-build ng solid portfolio, pwede kang magsimula sa iilang libo lamang.
It takes more than a big capital para mapalago ang investment mo. Pwedeng ang P20,000 mo ay lumaki into P200,000 if you do it right. Kaya heto ang ilan sa mga investment options para sa’yo.
Emergency Funds
Matunog ang emergency funds sa panahon ngayon. Kaya’t ito na talaga ang tamang oras to build your own. Kung alangan ka pang gastusin ang iyong pera pero gusto mo paring maging handa sakaling may dumating na financial emergency, ang best option ay ang mag-open ng savings o time deposit account na para lamang sa emergencies.
Unit Investment Trust Funds
Affordable lang and UITFs o Unit Investment Trust Funds kahit na ito’y considered na pooled investments. Maraming beginners ang nagsisimula dito dahil may choice kang hayaan ang fund manager na mag-handle sa’yong investment.
Isa pa’y madly lang i-withdraw ang invested money mo dahil liquid and UITFs.
Mutual Funds
Kung interesado ka sa mutual funds, importanteng alamin muna kung ikaw ba’y isang aggressive o conservative na investor. Alamin din kung gaano mo katagal gustong mag-invest sa mutual funds. Dahil kung agresibo ka, ang options mo ay bond funds, balanced funds, at equity funds. Kung ang gusto mo naman ay short term na may lower risks, money market funds ang para sa’yo.
Kailangan lang tandaan na kapag mutual funds ang pinaguusapan, the higher the risk, the higher the return.
Sariling Business
Kung entrepreneurial naman ang gusto mong route, marami kang maaaring simulan na business sa maliit na halaga. Ilan sa mga options mo ay mga home-based businesses tulad ng online stores, maliit na convenience store, or food stalls. Kailangan mo lang makahanap ng mapagkakabtiwalaang supplier, aralin muna ang operations mo (tulad ng payment options and delivery logistics).
Maraming iba’t ibang paraan para mapalago ang iyong pera. Pero ang pinaka-importanteng investment ay ang pag-invest sa iyong sarili. Bago pa simulan ang alinman sa mga ito, siguraduhin munang palaguin ang kaalaman sa finances, business, investments. Magbasa-basa at magtanong na rin sa trusted financial advisors!
Hindi mo kailangan ng malaking halaga. Kailangan lang ng lakas ng loob, determinasyon, at sapat na knowledge sa napiling investment.