Madaling ma-intimidate sa proseso ng pagbukas ng sariling bank account, lalo na kung first time mo. Mabuti na lamang at karamihan ng mga bangko sa bansa ay halos magkakatulad ang process na sinusunod. Kakailanganin mo pa ring alamin ang mga specific requirements ng bangko na napili mo, pero hayaang gabayan ka namin sa tulong ng 3-step basic guide na ito.
1. Pumili ng Bangko
In case wala pang napipiling bangko na pagbubuksan ng sariling account, importanteng mag-research ng iba’t ibang bangko at alamin ang kani-kanilang offers para malaman alin ang perfect para sa needs, interests, at financial status mo. Palaging magandang ideya ang magbukas ng account sa bangko na may branch na accessible sa’yo sakaling may kailanganin ka on short notice.
2. Mag-research tungkol sa Bangko
Ang pinaka-efficient na paraan para masiguradong ang bangkong iyong napili ay para sayo ay ang pag-visit sa website o Facebook page nito. Siguraduhin lamang na legitimate site or page ang iyong pinupuntahan dahil laganap ang peke o fraud sites sa panahon ngayon.
Matapos aralin ang offerings at processes ng bangko online, bumisita na mismo sa branch na nais pagbuksan ng account.
3. Pumili ng Account na Swak sa Needs Mo
Maliban sa pagpili ng actual bank na pagbubuksan ng account, importante ring pumili ng produkto o uri ng account na simple at madaling i-process; tulad ng Robinsons Bank Simple Savings https://www.robinsonsbank.com.ph/products-and-services/branch-banking/simple-savings na may 3-step process ng pagbukas ng bank account. Ang kailangan mo lang gawin ay:
-
- Step 1: I-fill out ang Simple Savings Account Opening Form
- Step 2: I-present ang valid ID o kahit anong proof of identity (e.g. NBI clearance, company ID, UMID, etc)
- Step 3: Magbayad ng initial deposit for as low as P100
Kung laging on-the-go at walang oras para bumisita mismo sa bangko, may option ka ring magbukas ng account online. 3 steps lang din ito. Subukan na ang madali, mabilis, at simpleng paraan ng pagbubukas ng bank account!
Tandaan na laging i-prioritize ang security at convenience kapag magbubukas ng bank account. Maraming bangko at produkto ang ma-e-encounter sa araw-araw pero ang sarili mong needs, financial status, at convenience ang kailangan mong pahalagahan sa decision making process na ito.