Baon sa Utang? 5 Tips on Loans at Pag-iwas ng Overdue Payments

Tips sa pag-manage ng loans para maiwasan ang overdue payments, at mas madaling ma-approve sa iba pang loans and opportunities.

Hindi talaga maiiwasan ang mag-apply para sa loans o pangungutang. At kahit hindi naman ito sign ng financial mistake o failure, kapag hindi na-manage nang maayos ay maaaring magdulot ng devastating financial consequences. Maari ring hindi na ma-approve muli sa ibang loan o credit card application, at posible ring tuluyan nang ma-bankrupt. Kaya importanteng sundin ang mga steps na ito para masiguradong mabayaran lahat ng utang at masulit ang perang hiniram sa tulong ng loans.

1. Siguraduhing kailangan mo talagang mag-loan or umutang

Nagtataka ka rin ba kung bakit kung kailan sa tingin mo kailangan mo ng pera ay saka ka nakakatanggap ng loan offers? Maraming nag-iisip na ito na ang sign na hinihintay nila. Pero kung gusto mong gumawa ng smart financial decisions, huwag basta-bastang magpapadala sa mga ganito. Siguraduhing mag-lo-loan lamang kung kinakailangan talaga o para ma-purchase ang isang asset na mag-i-increase ang value overtime.

2. Alamin ang exact amount na kailangan i-loan

Karamihan ay iniisip na dahil kukuha ka na rin naman ng loan ay sagarin na at humiram na ng malaking halaga. Pero hindi ito advisable. Laging tatandaan na may consequences ang lahat ng bagay, lalo na lahat ng financial moves mo. Kung mas malaki ang amount ng loan, mas malaki rin ang interest rates. At dahil mas malaki ang interest rates, ang kalalabasan ay mas malaki ang kailangan mong bayaran na pwedeng mauwi sa mas mahabang panahon ng bayaran.

3. Alamin ang amount na kayang bayaran monthly

Maging totoo sa sarili at sa financial status. Ugaliing maging on top of your budget para alam mo kung magkano talaga ang afford mong bayaran buwan-buwan. Kahit pa may pagkakataon na madadagdagan ang income sa future, laging pag-basehan ang current financial standing.

4. Piliin saan mag-a-apply ng loan

Hindi maipagkakaila na maraming facilities na nag-o-offer ng loan. May mga bangko, financial institutions, pati na rin individuals na pwedeng utangan. Pero importanteng pumili ng facility na magbibigay ng fair at attainable payment terms. Makatutulong rin kung trusted at kilala na ito para pwedeng mag-research ng reviews. Siguraduhing nasunod ang steps 1-3 para mas madaling ikumpara ang iba’t ibang facilities at makapili ng para sayo.

5. Laging mag-stick sa budget

Ang huli at pinaka-importanteng step ay ang pag-budget ng cashflow — mula sa income hanggang sa spending. Siguraduhin na kapag matanggap ang loaned amount ay sa tamang lugar ito napupunta at nailalaan. As long as you stay on top of your finances, mas madaling iwasan ang pagbabayad nang late.

Talagang hindi madali mag-manage ng finances lalo pa kung may loan na kasabay. Pero with these 5 steps, mas attainable ang financial freedom even with more than one loan.

DEBT
FINANCIAL ADVICE
FINANCIAL TIPS
LOANS
OVERDUE PAYMENTS
UTANG