Siguradong naka-relate na tayo sa lahat ng Petsa de Peligro memes sa social media kahit minsan sa ating #adulting life. Hindi naman kasalanan na minsan talaga, hindi maiwasang mapagastos agad kapag nakuha ang sweldo. Lalo na kung nasasabayan ng sale o promo ang araw ng sweldo!
Pero hindi mo na kailangan mag-alala pa dahil nandito na ang limang (5) praktikal at epektibong paraan para masiguradong matatapos ang cycle na ito at aabot ka sa susunod na cut-off na mayroon kang sapat (o kaya’y sobra pa) na kwarta.
1. Alamin ang State ng iyong Finances
Hindi kailangan ng accounting o finance degree para i-manage ang sarili mong finances. Ang importante lang ay alam mo ang status ng iyong personal income at spending behavior. I-track ang amount ng iyong salary, tuwing kailan mo ito natatanggap, ano ang madalas mong pinag-kakagastusan, at kung gaano ka kadalas gumastos. Matapos i-track ang lahat ng ito, kailangan mong siguraduhin na nag-ba-balance out silang lahat para may maitatabi ka pang pera hanggang sa susunod mong sweldo.
2. Be Strict sa iyong Budget
Maaaring nata-track mo nga ang iyong cashflow pero wala ka namang budget na sinusunod. Kung mananatili ang ganitong kaugalian, mawawalan ng silbi ang tip # 1. Kaya naman, importante ring maging mahigpit sa sarili pagdating sa budget. Alamin alin sa mga gastusin ang pwedeng i-cut off o bawasan.
Pwede kang gumawa ng budgeting system sa isang planner or sa excel. Pwede ring mag-download ng budgeting apps to help track your progress.
3. Always Think before You Spend
Kailangan mo ba talagang gumastos? Hindi mo kailangan i-deprive ang iyong sarili sa iyong kagustuhan para lang maka-abot sa susunod na cut-off. Pero tandaan rin na ang impulsive buying ang kadalasang nagiging dahilan bakit mabilis maubos ang sweldo. Makakatulong na umiwas muna sa mga malls o online promos kapag sale. Okaya’y sundin ang 2-day rule — kung gusto mo parin ang item na plano mong bilhin pagkalipas ng 2 araw, then bilhin mo na ‘to!
4. Matutong Magsabi ng “No”
This pertains to both yourself and other people. Madaling maging biktima ng Petsa de Peligro kapag laging nakikisabay sa mga kaibigan o katrabaho sa mga gimik. Pwede namang sumama paminsan-minsan, pero hindi mo kailangang laging makisama sa pag-order ng milk tea o panlilibre sa mga kaibigan or kaya dahil lang sweldo day. ALWAYS FOCUS ON YOUR GOAL!
Maari ring ikaw ang mag-set ng example sa iyong team o company na mag-manage ng income, at i-control ang cravings para hindi na paycheck to paycheck ang pamumuhay ninyo.
5. Magbayad in Cash
Nakakatulong ang pag-withdraw ng specific amount every week sa pag-ta-track ng iyong finances. Sa ganitong paraan, mayroon ka lamang budget for the week na pwede mong gastusin. Kapag nakikita mong nauubos na ang cash mo, mas madaling i-control ang spending on a weekly basis.
The key is to only use your card kapag may better deal o promo.
Sa totoo lang, minsan hindi talaga maiiwasan ang Petsa de Peligro lalo na kung may emergencies o financial obligations na mas malaki pa sa iyong monthly income. Pero kapag sinundan mo ang 5 easy but effective tips na ‘to, mas madaling ma-break ang paycheck to paycheck lifestyle at hindi mo na ulit katatakutan pa ang Petsa de Peligro. Just always practice self control. Good luck!